Wazzup Pilipinas!
Task Force Pride Philippines (TFP) is a volunteer-managed, non-partisan, and a not-for-profit network of Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders (LGBT) individuals, and are the same people that organizes the annual Pride March in Metro Manila.
Sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng Metro Manila Pride ngayong taon, inilunsad ng TFP ang temang “Come Out for Love: Kasi Pag-Ibig Pa Rin,” bilang paalala ng pag-ibig at paglaban na nagsimula at nag-aruga ng 20 taon ng pag-oorganisa ng mga LGBT na komunidad para sa pantay na mga karapatan.
Kasama sa mga kaganapan na inoorganisa ng TFP nitong Pride season na ito ay isang All Families Day na pinamagatang “Different Families, Same Love.” Gaganapin ito ngayong ika-22 ng Nobyembre, Sabado, 3:00nh hanggang paglubog ng araw, sa HARDIN NG MGA DIWATA, UP College of Arts and Letters, UP Diliman. Isa itong picnic na sinisikap ipagdiwang ang iba’tibang klaseng porma ng pamilya, mapa-dalawaang ina o ama, o tig-isa; sa dugo man o sa kasaysayan ang dulot ng pinagsamahan.