Wazzup Pilipinas!?
Taun-taon ay nagbibigay ng Ulat sa Bayan (State of the Nation Address) o SONA ang Pangulo. Sa napakaraming SONA na ito ay tila hindi kasama sa prayoridad ang kalikasan at nababanggit lamang bilang isang maliit na bahagi ng ating problema sa Pilipinas.
Sa nagdaang linggo ay nakita natin ang pangangalit ng kalikasan na ipinakita sa mga nakakalunod na baha. Sa kabila ng bilyon-bilyong ginastos sa mga flood control projects ay nagmukha itong katawa-tawa at non-existent dahil bagama't meron ay kung hindi sira ay ineffective ang mga ito.
Hindi na normal ang mga kondisyong ating kinakaharap sa gitna ng krisis sa klima.
Panawagan ng Green Party of the Philippines ang mga sumusunod:
1. Pagdelkara ng Pangulo ng isang "National Climate Emergency."
2. Pagpasa ng batas na may kinalaman sa emergency na ito o ng isang Climate Emergency Act.
3. Pagsasaayos ng mandato ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) upang ang pangunahing tungkulin nito ay protektahan, pangalagaan, at itaguyod ang kalikasan.
4. Pagkakaroon ng malinaw na pamantayan patungo sa renewable energy sa pamamagitan ng isang Just Energy Transition.
5. Pagtataguyod ng Sustainable Storm Water Management bilang solusyon sa problema sa pagbaha.
6. Ang isaalang-alang ang pag-atas sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga Local Government Units (LGUs) na aktibong bigyang kapangyarihan ang mga komunidad sa pamamagitan ng patuloy na edukasyon, pagsasanay, at pagsasama ng mga sumusunod sa mga pambansang programa sa pagpapaunlad at pagiging matatag:
- Komprehensibong edukasyon ng komunidad hinggil sa pagbabago ng klima at ang direkta nitong epekto sa ating kapaligiran at kabuhayan;
- Sapilitan at praktikal na pagsasanay sa wastong paghihiwalay ng basura at pamamahala ng solid waste sa antas ng barangay;
- Mga programa sa paghahanda sa kalamidad na nakabatay sa komunidad upang bigyan ang mga mamamayan ng kaalaman at kasanayan na harapin at tumugon nang epektibo sa matinding kaganapan ng panahon at mga kalamidad.
7. Pagsusulong ng "Circular Economy" sa buong Pilipinas at pagdeklara nito bilang polisiya ng estado.
8. Pagpapatupad ng mas mahigpit na environmental monitoring and enforcement laws. Hindi lang dapat umiiral sa papel ang batas, aksyon dapat!
9. Pagbuwag sa mga ugnayan ng gobyerno sa mga pribadong korporasyon na nakasisira lang sa kalikasan. Labanan ang greenwashing at isulong ang tunay na Green Economy
10. Pagkilala at pagprotekta sa kapakanan ng mga environmental defenders.
Upang matiyak ang integridad, kahusayan, at pagiging epektibo ng mga proyekto ng pamahalaan, nananawagan kami para sa mahigpit na pagpapatupad ng mga panukala sa pananagutan sa lahat ng yugto ng implementasyon ng proyekto—lalo na sa mga ahensyang direktang responsable sa pagpapaunlad ng imprastraktura, pampublikong kalusugan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Ang mga ahensya ng gobyerno at ang kanilang mga kasosyong pribadong negosyo at/o organisasyon ay dapat managot sa kalidad, pagiging nasa oras, at pagpapanatili ng kanilang mga programa at proyekto. Sa mga kaso ng kapabayaan, maling paggamit ng pondo ng bayan, o pagkabigong makamit ang itinakdang pamantayan at takdang panahon, nararapat na magpataw ng kaukulang mga parusa o penalidad—maging ito man ay administratibo, sibil, o kriminal ang uri.
Ito ang aming kolektibong panawagan sa ating pangulo upang matugunan na natin ang pinakamalaking problema na ating kinakaharap ang Krisis Pangklima at Pangkalikasan.
Para sa kalikasan,
Green Party of the Philippines

Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment