BREAKING

Tuesday, June 17, 2025

Pangangalap ng Datos sa mga Kilalang Diyalekto ng Wikang Kalinga


Wazzup Pilipinas!?



Noong 19-22 Mayo 2025 , isinagawa ang ikatlong pangangalap ng datos sa mga kilalang diyalekto ng wikang Kalinga partikular ang Minangali, Ginagaang, Nilulubo, Pinangol, at Dinacalan (Tanudan Kalinga); Sinumacher (Sumadel); at Minabaka (Mabaka). 


Sa isinagawang pangangalap ng datos, inalam ang kasalukuyang estado ng paggamit ng mga naturang diyalekto sa kani-kanilang komunidad.    Isinapanahon din ang mga lugar kung saan pangunahing ginagamit ang mga naturang diyalekto, gagamitin ang datos na ito sa pagsasapanahon ng Mapa ng mga Wika ng Pilipinas at Repositioryo ng mga Wika at Kultura.  


Kinuha rin ng mga mananaliksik ang katumbas ng halos 400 batayang salitang gagamiting datos sa pagsusuri ng leksikal na pagkakatulad (lexical similarity)  ng mga diyalekto ng Kalinga. Nagsagawa rin ng Recorded Text Testing (RTT) para sa pagsusuri ng mutual intelligibility ng mga naturang diyalekto. 


Pinangunahan ng mga mananaliksik ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) na sina Evelyn E. PateƱo at  Florencio M. Rabina, Jr., ang pangangalap ng datos sa patnubay ng puno ng sangay,   Lourdes Z. Hinampas at ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Arthur P. Casanova, PhD. 


Target na magsagawa ng balidasyon sa komunidad sa darating na Hulyo 2025. 

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT