Friday, April 10, 2026
Lungsod Cabadbaran at KWF, Nagkaisa sa Pagsusulong ng Ingklusibong Serbisyong Pampubliko
Wazzup Pilipinas!?
Nakadaupang-palad ni Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi, si Gng. Judy Chin Amante, Alkalde ng Lungsod ng Cabadbaran, Agusan del Norte noong 23 Marso 2026, sa tanggapan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP).
Sa kanilang maikling pag-uusap, tinalakay ni Komisyoner Mendillo ang pangunahing probisyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, na nagtatakda sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya sa pamahalaan, pati na rin ang implementasyon ng Batas Republika Blg. 11106, na nagtataguyod sa paggamit ng Filipino Sign Language (FSL) sa mga pampublikong serbisyo.
Malugod na tinanggap ni Alkalde Amante ang pagsasagawa ng pagpapatupad sa nasabing adbokasiya. Anya, isinasagawa na sa kanilang lungsod ang paglalagay ng mga inset sa kanilang Lupang Hinirang, at ipinahayag din niya ang kaniyang pagnanais na higit pang maipatupad ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 sa kanilang tanggapan.
Inaasahan ang susunod na pulong kasama ang mga opisyal ng Lungsod ng Cabadbaran upang higit pang mapaigting ang pagpapatupad ng mga umiiral na patakarang pangwika sa kanilang nasasakupan.
#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans.
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment