Wazzup Pilipinas!?
Nagpulong ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Office of the Court Administrator (OCA) noong 10 Marso 2026, 10:00 nu, sa tanggapan ng Korte Suprema hinggil sa tuntuning ipinatutupad ng Korte Suprema sa Filipino Sign Language (FSL) sa Hudikatura.
Nilinaw ng dalawang panig ang mga proseso sa pagsasagawa ng Visual Communication Assessment for the Deaf (VCAD) kabilang ang pagtalakay sa dokumentasyon at pagbabayad sa Deaf Assessor, alinsunod sa A.M. No. 21-12-04-SC (Re: Implementing Rules and Regulations of the Filipino Sign Language Act). Nakaangkla rin ito sa Batas Republika 11106 o FSL Act na naglalayong palakasin ang akses ng Deaf Community sa mga serbisyong panghudikatura at maisulong ang ingklusibidad na pamamahala bilang tugon sa Strategic Plan for Judicial Innovations (SPJI) ng Korte Suprema.
Dumalo mulรข sa KWF si Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi, kasรกma ang Yunit ng FSL sa pangunguna ni G. Patrick Bryan Q. Ablaza, Senior Deaf Advocacy Officer; Bb. Diana Pria Vizmanos, Deaf Advocacy Officer; at mga Admin Assistant na sina Bb. Nicah Lagrimas at Bb. Mitzi Mae Tabao. Kinatawan naman nina Hon. Lilian Barribal-Co, Assistant Court Administrator, at Atty. Andrea Mae E. Oraciln ang OCA.




Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment