Wazzup Pilipinas!?
Nakiisa sa paglulunsad ng Dictionary of Capampangan Words with Chinese Roots noong 20 Pebrero 2026 sa Holy Angel University, Angeles City, Pampanga sina Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi at Kinatawan ng Wikang Ilokano, at si Dr. Reggie Cruz, Kinatawan ng Wikang Kapampangan.
Isinulat ng tรบbong Pampanga na si Oscar “Papa Osmubal” Balajadia ang diksiyonaryong kabilang sa mga pinakamakapal na diksiyonaryo ng Kapampangan. Inilunsad ng Holy Angel University-Center for Kapampangan Studies (HAU-CKS), na kilala sa mga proyekto at pananaliksik na naglalayong pangalagaan at palakasin ang wika at kultura ng Kapampangan.
Kasalukuyang kinikilala ng Komisyon sa Wikang Filipino ang aklat bilang pinakamakapal na aklat sa wikang Kapampangan sa bansa na may kabuoang 2,852 pahina. Inaasahang magsisilbi itong mahalagang sanggunian sa mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at iba pang nagnanais na higit pang maunawaan ang ugnayan ng wikang Kapampangan at mga salitang may pinagmulan sa wikang Tsino.




Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment