Wednesday, March 4, 2026
𝐄𝐀𝐑𝐈𝐒𝐓, 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐚𝐝𝐡𝐢𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐖𝐅 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐰𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨
Wazzup Pilipinas!?
Bumisita at nakipagpulong ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Eulogio 'Amang’ Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) noong 18 Pebrero 2026 upang ihain ang mithiin at panukalang magtatag ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa pamantasan at upang higit pang pagtibayin ang ugnayan ng KWF at EARIST sa pagtataguyod ng wikang pambansa at kulturang Pilipino.
Pinangunahan ni KWF Tagapangulo Atty. Marites A. Barrios-Taran, kasama si Komisyoner Benjamin M. Mendillo Jr, ang opisyal na pagbisita at pakikipagpulong kay EARIST Pangulo Rogelio T. Mamaraldo.
Personal ding nilibot nina Barrios-Taran at Mendillo ang mga silid-aralan upang makahalubilo ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ipinakilala ng dalawa ang mga programa ng komisyon na naglalayong mas mapalapit ang wikang pambansa sa mga kabataan.
Layunin ng pagtatayo ng SWK na maging magkatuwang ang KWF at EARIST sa pagpapatupad ng mga programang pangwika, pananaliksik, at proyekto na magpapayaman sa kultura at identidad ng bansa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans.
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment