Wazzup Pilipinas!?
Dubai, United Arab Emirates– 23 Enero 2026: Muling lalahok ang Philippine National Police (PNP) sa UAE SWAT Challenge 2026, isa sa mga pinakatanyag na pandaigdigang kompetisyon para sa mga Pangkat Taktikal ng Pulisya na ginaganap sa Dubai.

Makikipagtagisan ang koponan ng PNP laban sa mga piling tactical unit mula sa iba’t ibang bansa sa limang matitinding hamon na susubok sa lakas, katatagan, husay sa taktika, pagkakaisa at kakayahang rumesponde sa gitna ng matinding tensyon.
Gaganapin ang kompetisyon mula ika-7 hanggang ika-11 Pebrero sa Training City sa Al Ruwayyah, Dubai.
Paanyaya sa Filipino community sa Dubai
Inaanyayahan ang ating mga kababayan sa Dubai na manood ng personal at suportahan ang koponan ng PNP. Libre ang tiket at maaaring makuha sa Virgin Megastore. Sama-sama nating ipakita ang suporta at pagmamalaki upang maramdaman ng ating delegasyon ang lakas at pagkakaisa ng Filipino community.
Para sa mga Pilipino sa Pilipinas at sa iba pang bansa
Para sa mga hindi makakadalo nang personal, maaari pa ring makiisa sa pamamagitan ng panonood ng live coverage sa opisyal na Youtube channel ng UAE SWAT Challenge. Hinihikayat ang lahat na manood, mag share, at mag cheer online para sa ating mga kapulisan.
Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment