Wazzup Pilipinas!?
Aktibong dumalo ang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Atty. Marites A. Barrios-Taran, kasama ang Fultaym Komisyoner Benjamin M. Mendillo sa K-10 Curriculum Implementers’ Summit na isinagawa noรณng 15 Enero 2026 sa Rizal Park Hotel, Manila. Layunin ng pagtitipon na pagtibayin, talakayin, at pag-ibayuhin ang pagpapatupad ng K-10 Kurikulum sa buong bansa.
Nagbigay ng mahalagang mensahe si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at binigyang-diin nito ang papel ng mga tagapagpatupad ng kurikulum sa paghubog ng makabuluhan, ingklusibo, at makabansang edukasyon. Hinikayat niya ang mga guro, administrador, at katuwang na institusyon na magkaisa, makipagtulungan, at magsulong ng de-kalidad na sistema ng pagkatuto.
Nakiisa rin sa summit sina G. Gerson Marvin M. Abesamis, Director IV ng Bureau of Learning Delivery, Atty. Ester A. Funtalan, OIC, Office of the Director III ng BLD, at G. Jerome T. Buenviaje, Assistant Secretary ng Learning System Strand. Aktibo silang nagbahagi ng pananaw, naglatag ng mga polisiya, at nagpaliwanag ng mga estratehiya kaugnay ng epektibong implementasyon ng K-10 Kurikulum.
Ipinakita ng K-10 Curriculum Implementers’ Summit ang sama-samang pagkilos ng mga pinunแฝธ, eksperto, at institusyon upang paunlarin ang edukasyong Pilipino.
Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment