BREAKING

Thursday, September 11, 2025

YAK! Binira ang mga Discaya: Walang Makakatakas sa Ghost Hunting, Mananagot din Kayo!


Wazzup Pilipinas!? 







Para sa YAK! Coalition, malinaw: hindi biktima ang mga Discaya—sila ay aktibong kalahok sa isang bulok na sistemang pabor sa iilan habang nilulunod ang sambayanan.



“Ginagamit nilang palusot ang pamilya at mga empleyado, pero para sa aming mga kabataang Pilipino, ito ang malinaw: hindi pagmamahal ang pagnanakaw. Hindi biktima ang mga Discaya, dahil sila ay aktibong kasabwat sa isang bulok na sistemang kumita mula sa buwis ng bayan habang nilulunod ang mamamayan sa baha at sakuna. Ang mga ‘mema na palusot’ nilang “para sa pamilya at empleyado” ay hindi makakapagtakip sa bilyon-bilyong ninakaw nila, habang libo-libong pamilya ang nawalan ng tahanan at mga kabataan ay nag-aaral sa sira-sirang silid-aralan, ani Khylla Meneses, Secretary General ng Akbayan Youth at YAK Lead Convenor.



Naninindigan din ang YAK na hindi lang ang mga Discaya ang dapat managot. Dahil sa likod ng mga ghost projects ay mga mambabatas, kontraktor, at mga opisyal ng DPWH na matagal nang nananamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan.


“Hindi pagmamahal sa pamilya ang mansyon at smuggled luxury cars na galing sa kaban ng bayan, habang milyun-milyong pamilya ang binabaha at ang mga manggagawa at estudyante ay stranded sa kalsada,” dagdag ni Meneses



“Daig ninyo pa si Poncio Pilato sa paghuhugas ng kamay. Ang listahan na inilabas ninyo ay hindi pag-amin kundi ebidensya ng sindikatong matagal ninyong pinakinabangan. Hindi ito pagsisisi, pruweba ito ng kasalanan,” ani Matthew Silverio, Secretary-General ng Student Council Alliance of the Philippines (SCAP) at YAK Co-Convenor.



”Habang pinakikinabangan ninyo ang bilyon-bilyong nakulimbat, kaming mga estudyante nama’y naiipit ang pag-aaral dahil kaunting ulan lang ay suspendido na ang klase at stranded na kami sa mga gater, dahil sa lumulubog na mga lansangan.” diin pa ni Silverio



“Habang nagnanakaw sa buwis ng taong bayan ang mga kontraktor, nananahimik at nakikinabang ang mga mambabatas. Dapat pareho silang panagutin. Hindi pwedeng may itinatago o pinoprotektahan dahil makapangyarihan,” giit ni Angel Cruz ng Kaya Natin Youth at YAK Co-Convenor.



Panawagan ng Youth Against Kurakot: Ituloy ang Ghost Hunting! Isiwalat ang lahat ng opisyal, kontraktor, padrino, at kasabwat at gawing kadiri ang korapsyon. Ang pananahimik ay pagkakasala. Ang kalahating katotohanan ay pagtatakip sa makapangyarihan.



Ang Youth Against Kurakot (YAK!) ay ang pinakamalawak na koalisyon ng mga organisasyong kabataan, at konseho ng mga estudyante sa Pilipinas na lumalaban para sa pananagutan at para sugpuin ang korapsyon. Pinangungunahan ito ng Akbayan Youth, Student Council Alliance of the Philippines (SCAP), UP ALYANSA, PANTAY, Liberal Youth, Kilos Ko Youth, Kaya Natin! Youth, at Bulakenyos for Good Governance. ##



About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT