BREAKING

Friday, June 20, 2025

๐Ž๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š๐ง๐  ๐†̓๐ข๐ง๐ฌรซ๐ฅ๐ฎ๐ ̓รซ๐ง ๐’๐ฎ๐›̓๐š๐งรซ๐ง, ๐ง๐š๐ข๐ฌ๐š๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š!


Wazzup Pilipinas!?


Isinagawa noong 26–30 Mayo 2025 ang G̓insรซlug̓รซn Sub̓anรซn Orthography Convergence sa Villa Pablea Mountain Resort, Tolon, Rizal, Zamboanga Del Norte. Dinaluhan ang naturang gawain ng mga gurong nagsilbing manunulat ng kanilang ortograpiya, elders, at mga opisyal ng DepEd mula sa Rehiyon IX at X. Katuwang sa gawaing ito sina Gng. Josephine Daguman, G. James Daguman, at Rossini Lomosco ng Translators Association of the Philippines (TAP) at mga mananaliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sina G. Christian Nayles at G. Earvin Christian T. Pelagio. 


Sa ginanap na pagtitipon, ibinahagi ng mga manunulat mula sa Rehiyon X ang borador ng Ortograpiyang G̓insรซlug̓รซn Sub̓anรซn na kanilang binuo para kumuha ng komento mula sa mga kinatawan ng Rehiyon IX. Inedit nang sama-sama ang kanilang ortograpiya, na-validate rin ang kanilang wordlist. 


Sinang-ayunan ng mga taga-Rehiyon IX ang kalakhan ng ibinahaging borador. Gayundin, napagkasunduan din na aayusin ang ispeling ng pangalan ng kanilang pangkat at wika batay sa tamang pagbigkas dito na mula sa naunang katawagan sa kanilang wika at pangkat na G̓insalug̓รซn Sub̓anรซn patungo sa naisipinal na pangalan na G̓insรซlug̓รซn Sub̓anรซn. 


Ang Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) sa pamumuno ni Gng. Lourdes Z. Hinampas, Punรฒ ng Sangรกy at Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo, KWF. Inaasahang makatutulong ang mabubuong ortograpiya sa kanilang komunidad at magamit bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan.


About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT