BREAKING

Monday, April 28, 2025

Sentro ng Wika at Kultura ng KWF, Itinatag sa University of the Assumption


Wazzup Pilipinas!?



Itinatag ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa University of the Assumption (UA), ang unang SWK na itinatag sa Lalawigan ng Pampanga.

Dinaluhan nina Komisyoner Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Rev. Fr. Oliver G. Yalung, DL, PhD, Pangulo ng University of the Assumption (UA) ang Lagdaan ng Memorandum ng Unawaan (MOU) sa pagtatag ng SWK na ginanap sa naturang unibersidad, ang ika-44 na SWK sa Pilipinas na magsusulong, at magtataguyod ng wika at kulturang Kapampangan.


Dumalo rin sa lagdaan sina Dr. Reggie O. Cruz, Komisyoner ng Wikang Kapampangan; Dr. Arnel T. Sicat, Pangalawang Pangulo para sa mga Gawaing Akademiko ng University of the Assumption; at iba pang opisyal at kawani ng KWF at University of the Assumption.




Ang matagumpay na pagtatatag ng SWK ay naisakatuparan sa inísyatíba ni Komisyoner Cruz na nagnanais na magkaroon ng komprehensibong pag-aaral at pananaliksik hinggil sa wikang Filipino, kultura, at wikang Kapampangan kabilang ngunit hindi limitado sa paggawa ng diksiyonaryo, pagsasalin, at pagsulat ng mga aklat hinggil sa Araling Kapampangan.

Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ang bisig ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga rehiyon at lalawigan. Tulad ng ibang mga SWK, inaasahang magiging katuwang ng KWF ang SWK sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto ng komisyon.


About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT