Wazzup Pilipinas!?
Nagwagi si Larry Boy B. Sabangan sa Pagsulat ng Dulang Tandem/Dou ng Dula Táyo 2025 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) pára sa kaniyang dulang “Sino ba Dapat ang Magsaing?” at makatatanggap siyá ng PHP10,000.00 (net) at plake.
Nagwagî rin si Hannah A. Leceña ng ikalawang gantimpala pára sa kaniyang dula na “Para sa Panitikan” at makatatanggap siyá ng PHP7,000.00 (net) at plake.
Hinirang naman sa ikatlong gantimpala sina Alpine Christopher P. Moldez sa ikatlong gantimpala pára sa kaniyang dulang “Recognition Day” at Klara D. Espedido pára sa kaniyang dulang “Ang Nawawalang Berso.” Makatatanggap ng sila ng PHP2,500.00 (net) at plake.
Si Larry Boy Briones Sabangan ay kasalukuyang mananaliksik sa Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman. Nagtapos ng Master sa mga Sining sa Edukasyon sa Filipino sa West Visayas State University, Lungsod Iloilo. Naging Fellow sa UST National Writers’ Workshop, Palihang Rogelio Sicat, at Palihang Rene Villanueva. Awtor ng tulang pambatang Kat Nagpamaeaybay Ro Panumduman it Unga na may saling Nang Tumula ang Gunita ng Bata mula sa Kasingkasing Press. Nakapaglathala na ng akdang tula, kuwentong pambata, dagli at sanaysay sa ANI: CCP Literary Journal, Komisyon sa Wikang Filipino, Kasingkasing Press, 7 Eyes Production at iba pang mga magazine at antolohiya. Naging Language Translator sa UP Resilience Institute. Naging finalist sa Ulirang Guro sa Filipino 2022 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kasalukuyang kumukuha ng doktorado sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Nakapaglahad na rin ng mga pag-aaral sa mga internasyonal na nga kumperensiya ukol sa wika at panitikan. Isang anak, guro, mananaliksik, manunulat at lingkod-bayan na nagmamahal sa wika, kultura, panitikan, kabataan, at bayan.
Ang Dulang Tandem/Dou ay tawag sa anyo ng maikling dula na may iisang yugto, tagpuan, tunggalian, at isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Tinatawag itong Dulang Tandem/Duo dahil umiikot lamang ang kuwento sa mga diyalago ng dalawang tauhan.
Ito ay timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Wika. Pakikiisa ito ng KWF sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (sa ilalim ng UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.


Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment