BREAKING

Thursday, January 2, 2025

The Pepsi Paloma Case: Truth, Controversy, and the Quest for Justice


Wazzup Pilipinas!?


Pepsi Paloma, born Delia Duenas Smith, was a Filipino-American actress who gained prominence in the early 1980s. Her life and untimely death have been the subject of various articles and discussions over the years.


Rodel Rodis' Articles

Rodel Rodis, a U.S.-based writer, penned articles delving into the Pepsi Paloma case. In his piece titled "The Rape of Pepsi Paloma," Rodis recounted the events surrounding the alleged assault and the subsequent legal proceedings. He suggested that political influence might have played a role in the case's resolution, particularly pointing to Senator Tito Sotto, brother of Vic Sotto, alleging he coerced Paloma into withdrawing the charges. 

In another article, "Was Pepsi Paloma Murdered?", Rodis explored the circumstances of Paloma's death in 1985, which was officially ruled a suicide. He raised questions about the possibility of foul play, considering the controversies that surrounded her life. 



Senator Tito Sotto's Request for Article Takedown

In 2018, Senate President Vicente Sotto III requested Inquirer.net to remove articles linking him to the rape and death of Pepsi Paloma, describing them as "the original fake news." 


 Inquirer.net temporarily took down the articles pending review, stating that the decision was not an issue of press freedom but a standard procedure when the accuracy of content is questioned. 


 This action sparked debates on censorship and press freedom, with various media organizations and netizens expressing concerns over potential suppression of information. 



Social Media and Public Reaction

The takedown request led to the "Streisand effect," where attempts to suppress information only increased public interest in the case. Netizens shared and mirrored the articles across social media platforms, ensuring the information remained accessible. Discussions about the case resurfaced, with many questioning the motivations behind the takedown request and advocating for transparency and historical accountability.


Recent Developments

In 2024, fellow "Softdrink Beauty" Coca Nicolas, in an interview, claimed that the rape allegations were a publicity stunt orchestrated by their manager, Rey dela Cruz, and that no sexual assault took place. This statement added another layer of complexity to the decades-old controversy, prompting renewed discussions and debates about the veracity of the original allegations.


Conclusion

The story of Pepsi Paloma remains a poignant chapter in Philippine entertainment history, reflecting issues of power dynamics, media influence, and the quest for justice. The various articles, social media discussions, and recent revelations continue to evoke public interest, underscoring the enduring impact of her story on the collective consciousness.

𝐌agpatala sa 𝐊𝐖𝐅 𝐃irektoryo ng mga 𝐓agasalin!


Wazzup Pilipinas!?


Inaanyayahan ang lahat ng mga tagasalin na magpatala sa KWF Direktoryo ng mga Tagasalin!

Ang KWF Direktoryo ng mga Tagasalin ay naghahangad na makatugon o mapunan ang kakulangan sa network ng mga tagasalin sa bansa lalo na sa network ng mga tagasalin mula sa rehiyon. Sa pamamagitan ng direktoryo na ito, matitiyak ng KWF na ang matitipong mga tagasalin ay propesyonal at de-kalidad na makatutugon sa pangangailangan ng pagsasalin sa iba't ibang katutubong wika ng mahahalagang dokumento, kasulatan, impormasyon, at iba pang katulad. Magsisilbi ding gabay ang direktoryo para sa pagbibigay ng KWF ng priyoridad sa mga tagasalin na nasa direktoryo nito para sa mga imbitasyon, pabatid, pagsasanay, proyekto, at anunsiyo sa mga proyekto at programa sa pagsasalin ng ahensiya.

Magpatala sa link na ito: https://forms.gle/cHJ63RF1Zskn1Gyg9

Bukás ang rehistrasyon hanggang sa 27 Disyembre 2024.


𝐈𝐤𝐚-𝟐 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐚𝐢𝐠𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐦𝐩𝐞𝐫𝐞𝐧𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐢𝐛 𝐧𝐚 𝐖𝐢𝐤𝐚, 𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲!


Wazzup Pilipinas!?




Matagumpay na isinagawa ang Ika-2 Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika na ginanap noong 9–11 Oktubre 2024 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila katuwang ang Pamantasang Normal ng Pilipinas-Sentro sa Pag-aaral ng Wika (PNU-LSC), Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle (DLSU-Filipino), at Departamento ng Linggwistiks ng Unibersidad ng Pilipinas (UP-Lingg).

Nilahukan ito ng 267 na kalahok mula sa iba’t ibang katutubong pamayanan, lider ng indigenous cultural communities (ICCs), Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR), ahensiya, institusyon, mag-aaral, at mga organisasyon.



 

Sa unang araw ay nagtanghal ng ritwal ang Bugkalot. Nagbigay ng mainit na bating pagtanggap si Denmark L. Yonson, PhD, Vice President for Student Success and Stakeholders Services ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.Nagbahagi rin ng mensahe si Secretary-General Ivan Henares, PhD sa pamamagitan ni Gng. Kaye S. Nagpala ng Philippine National Commission for UNESCO. Nagtanghal naman ng katutubong sayaw ang PNU Kislap Sining Dance Troupe bilang pampasiglang bilang. Matapos nito ay nagbigay ng panayam ang Pamaksang Tagapanayam na si Victoria Tauli-Corpuz, Direktor ng Tebtebba kaugnay ng karapatan na dapat tinatamasa ng mga katutubo. Sinimulan naman ni Tagapangulong Arthur P. Casanova, PhD, ang panayam sa plenaryong sesyon na tumatalakay sa “Estado ng mga Nanganganib na Wika sa Pilipinas at Programa sa Pagpapasigla ng Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino.” Sinundan ito ng paralel na sesyon tungkol sa dokumentasyon at mga pag-aaral sa wika mula sa iba’t ibang institusyon. Sa ikalawang plenaryong panayam naman ay tinalakay ni Anna Belew, PhD, Direktor ng Endangered Languages Project ang “Lumalaking Network ng Pagpapasiglang Pangwika sa Kabila ng mga Hanggahan.”

Sa ikalawang araw ay nagbigay ng mensahe si Deborrah S. Anastacio, PhD, Tagapangulo ng Departamento ng De La Salle. Ibinahagi din ni Marites T. Gonzalo, Direktor, IP Education Ministry ang “Pagtuturo ng mga Katutubong Kaalaman” at ginagawa ng kanilang organisasyon para sa kanilang komunidad na Tagakawlo. Sinundan ito ng pagbabahagi ni Frederick Barcelo, Bugkalot, sa “Pagsasalin ng Bibliya bílang Paraan ng Pangangalaga ng Wika” ng kanilang wika. Hinilawod Epic Chant Recording naman ang ibinahagi nina Felipe P. Jocano Jr., Unibersidad ng Pilipinas at Lord Jane Caballero-Dordas, PhD, Sugidanon. Nagkaroon din ng bahagian sa sesyong pararalel kaugnay ng mga papel-pananaliksik pangwika. Ibinahagi naman ni Siripen Ungsitipoonporn, PhD, Mahidol University ang pag-a-archive ng mga wika (Language Archiving) at nagawang website at mga materyal.

Sa ikatlong araw, nagbigay ng mensahe si Maria Kristina Gallego, PhD, Tagapangulo ng Departamento ng Linggwistiks. Nagbahagi naman ng mga papel sa plenaryong sesyon ang mga tagapanayam mula sa katuwang na institusyon. Sinimulan ni John Amtalao, PhD, Pamantasang De La Salle ang “Ang Sampung Libong Salita ng Tuwali-Ifugao sa Lente ni Padre Hubert Lambrecht: Repleksiyon sa Pagbubuo ng Identidad ng Aralíng Kordilyera.” Sinundan ito ni Voltaire M. Villanueva, PhD Pamantasang Normal ng Pilipinas na “Pagtatampok sa mga Kalinangang Bayan sa Aralín at Pagsasanay tungo sa Preserbasyon ng Wika at Kultura (Bongabong).” Nagkaroon din ng pagbahagi sa mga papel-pananaliksik sa paralel na sesyon. Huling nagbigay-panayam si Jesus Federico C. Hernandez, Unibersidad ng Pilipinas sa “Quo Vadis: Muling Pagsipat sa Diskurso ng Panganganib at Pagpapasigla ng mga Wika sa Pilipinas.”

Pinangasiwaan naman ni Komisyoner Melchor E. Orpilla, PhD, Komisyoner ng Wikang Pangasinan, ang Resolusyon sa mga kalahok hinggil sa pagkakaisa ng mga ahensiya at institusyon sa pangangalaga ng mga nanganganib na wika sa bansa na nilagdaan ng mga kalahok. Sa huli, ay nagbigay ng pampinid na pananalita si Komisyoner Jose Kervin Cesar B. Calabias, PhD, Komisyoner ng mga Wika ng Kahilagaang Pamayanang Kultural kaugnay ng naganap na tatlong araw na kumperensiya.

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT