Wazzup Pilipinas!
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto!
Isang lupon ng iba ibang grupo sa musika at pagtula ang kasalukuyang nagtatanghal sa loob ng LRT 2 Stations simula noong Agosto 10 hanggang Agosto 31. Layon po nila na tumulong sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga tao ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2017 sa pamamagitan ng libreng pagtatanghal sa wikang Pilipino ng mga awit at tula. Sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng LRTA, sila po ay sumusuporta sa gawain at adhikain ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa buwan na ito.
Ang slogan sa taong ito ay "Filipino Wikang Mapagbago" at naniniwala sila na malaki ang maitutulong ng pagpapalaganap sa paggamit ng wika sa larangan ng turismo, edukasyon, kultura (kasama na ang musika at tula, hanggang sa media) gayun din pagpapakilala sa talento ng Pilipino. Sa pamamagitan din nito, nais nila maibalik ang interes ng tao sa musikang Pilipino maging sa iba pang uri ng sining na pinakilala ang Pilipinas.
Sila ay nagsimula sa pagtatanghal sa mga kalye nuong Oktubre 2014 kung saan kami po inilathala din ng Interaksyon TV5 at nakapagdaos na din ng isang maliit na konsyerto noon sa People's Park In The Sky sa pahintulot ng Munisipyo ng Tagaytay kung saan sila ay tumugtog ng mga pinasikat na awiting Pilipino at inilathala ng Wazzup Pilipinas at Rappler. Ito ang kanilang unang pagtatanghal na lahat ng awit at tula ay sa ating sariling wika.
Ang mga musikang kanilang aawitin ay mga pinasikat na awit sa wikang Filipino at mga sariling obra sa wikang Filipino ng mga kasamang manunulat. Gayundin din ay kanilang ipapakilala ang mga likhang tula, tulang liham at talumpati sa Wikang Filipino ng ilang kasamahan na naglaan ng panahon para sa gawaing ito.



Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.