Wazzup Pilipinas!
Gaano kahaba ang isang highway para sa dalawang pusong nasasaktan?
Inihahandog ng Artistang Artlets, ang opisyal na samahang pang-teatro ng Pakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang North Diversion Road na isinulat, ng Don Carlos Palanca at FAMAS awardee na si, Tony Perez.
Ilang beses nang itinanghal sa entablado, at minsan pang ginawang isang palabas na pinagbidahan nila John Arcilla at Irma Adlawan, ang North Diversion Road ay tungkol sa pag-ibig, at pangangaliwa. Binubuo ito ng iba't-ibang istorya na tumutukoy sa mga dahilan at mga posibleng kahantungan ng isang nasirang pagmamahalan habang binabaybay ang kahabaan ng highway.



Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.