BREAKING

Monday, March 30, 2026

𝐒𝐖𝐊-𝐖𝐕𝐒𝐔, 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐊𝐨𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐝𝐞𝐧𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐎𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥


Wazzup Pilipinas!? 



Isinusulong ng Sentro ng Wika at Kultura ng West Visayas State University (SWK-WVSU) ang pagpapataas ng antas ng paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng Panlalawigang Seminar sa Korespondensiya Opisyal (PSKO) na sinimulan noong 19 hanggang 20 Marso 2026 sa WVSU Center for Teaching Excellence Hall, Lungsod Iloilo.


Layunin ng aktibidad na hasain ang mga kawani at kalahok na dumalo sa tamang pagsulat ng mga opisyal na dokumento, gaya ng liham, memorandum, at kapasiyahan alinsunod sa mga pamantayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).


Sa unang araw, binuksan ang programa sa pagbibigay ng mensahe nina Fultaym Komisyoner Carmelita C. Abdurahman, Kinatawan ang wikang Samar-Leyte, Komisyoner Alain Russ G. Dimzon, Kinatawan sa wikang Hiligaynon, Dr. Salvador P. Bacio, Jr., Direktor ng SWK-WVSU.


Sinundan ito ng pagtalakay ni Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran ng KWF sa kahalagahan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 o EO. 335, na nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon.


Matapos ito, tinalakay naman ni Dr. Jose Evie G. Duclay, Linguistic Specialist at tagapamahala para sa SWK-Visayas, ang Ortograpiyang Pambansa at ang tamang paghahanda ng korespondensiya opisyal. Sinuri niya rin ang resulta ng pre-test ng mga kalahok upang matukoy ang mga aspektong dapat pang paghusayan sa pagsulat.


Sa ikalawang araw, nagpatuloy ang seminar sa introduksiyon sa pagsasalin at masusing workshop sa editing sa ng paggabay ni Gng. Lourdes Z. Hinampas, Chief Language Researcher at Puno ng Sangay ng Salin. Para sa bahaging ito, mga kalahok ay aktuwal na nagrebisa ng kanilang sariling borador ng mga opisyal na sulatin.


Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang Pangulo ng Pamantasan na si Dr. Joselito F. Villaruz sa mga kalahok na dumalo. Nagtapos sa pamamahagi ng mga koplimentaryong sipi ng aklat ng KWF ang dalawang araw na gawain.


About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT