BREAKING

Wednesday, March 18, 2026

𝐊𝐖𝐅 𝐚𝐭 𝐓𝐒𝐔, 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐠𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐎𝐔



Wazzup Pilipinas!? 






Pormal nang nilagdaan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Tarlac State University (TSU) ang Memorandum ng Unawaan (MOU) noong 4 Marso 2026, sa Bulwagang Romualdez ng KWF.

Layunin ng MOU na paigtingin ang kolaborasyon sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng wikang Filipino at iba pang mga wika ng bansa, partikular na sa loob ng akademikong komunidad.



Binuksan ang programa sa isang bating pagtanggap mula kay Fultaym Komisyoner Benjamin M. Mendillo, Jr., ang kinatawan sa Wikang Ilokano ng KWF.






Nagbigay ng mensahe si Tagapangulo Atty. Marites A. Barrios-Taran ng KWF ukol sa kritikal na kalagayan ng wikang Abëllën, na batay sa datos ng KWF sa Sigla ng Wika, ang Abëllën ay kasalukuyang nasa Grado 4 o "Di-ligtas" (Unsafe).



Ipinaliwanag ni Barrios-Taran na bagaman ginagamit pa ang wika ng ilang bata sa lahat ng domeyn, ang kabataan ay gumagamit na lamang nito sa mga limitadong pagkakataon. Sa ilalim ng Salik 3 (Proporsiyon ng mga Ispiker), ang wika ay nasa antas na "Tiyak na Nanganganib" (Definitively Endangered).



"Ang liit ng bilang ng mga ispiker kompara sa kabuoang populasyon ay isang malakas na hudyat na kailangan natin ng mabilis na aksiyon. Ang ating paglalagda sa MOU na ito ay hindi lamang pormalidad, ito ay isang pagsagip sa isang nanganganib na kultura," dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni Dr. Erwin P. Lacanlale ang kahandaan ng Tarlac State University na isulong ang mga probisyon ng MOU at isabuhay ang pagpapahalaga sa pambansang wika sa kanilang kampus.



Nagtapos ang programa sa pangwakas na mensahe ni Fultaym Komisyoner Carmelita C. Abdurahman, Kinatawan ng Wikang Samar-Leyte. Hinikayat niya ang parehong panig na huwag hayaang manatili lamang sa papel ang lagdaan, kundi magbunga ito ng mga kongkretong aksiyon at proyekto para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng sambayanang Pilipino.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT