BREAKING

Thursday, January 8, 2026

Ferdinand P. Jarin at Darwin P. Plaza, Wagî ng PHP100,000.00 sa KWF Gawad Julian Cruz Balmaseda 2026



Wazzup Pilipinas!? 



 

NAGWAGI ng PHP100,000.00 sa Gawad Balmaseda 2026 ng Komisyon sa Wikang Filipino si Ferdinand P. Jarin, PhD para sa kaniyang disertasyon sa DLSU-Maynila na pinamagatang “Ang Kalyeng Walang Kamatayan: Ang Paglalandas ni Leoncio P. Deriada sa Panitikan ng Banwa at Bansa” bílang pinakamahusay na disertasyon sa taóng 2026.


 

Matagumpay niyang nailahad sa komprehensibong pamamaraan ang pagpapakilála ng kongkretisasyon at uswag ng panitikang rehiyonal. Tumuon ang pananaliksik na ito sa pag-iral ng panitikan ng Kanlurang Visayas sa kontemporaneong panahon. Pinatunayan niyang sa pamamagitan ng pagtatanghal ng ilang pilíng akda ni Leoncio P. Deriada, malinaw na maitatampok ang sensibilidad at konsepto ng pagkabansa. Patúloy nitóng hinahawan ang landas ng pagdurugtong at pag-aagapay ng panitikang rehiyonal at panitikang pambansa.


 

Samantála, nagwagi rin si Darwin P. Plaza ng PHP100,000.00 para sa kaniyang tesis masterado sa Ateneo De Naga University na pinamagatang “Gakot at Paglaban sa Kalamidad ng mga Taga-Partido Erya sa Bicol, Pilipinas” bílang pinakamahusay na tesis sa taóng 2026 ng Gawad Julian Cruz Balmaseda.


 

Nakatuon ang pag-aaral sa mga katutubong kaalaman sa paghahanda sa kalamidad ng mga malayò at tabing-dagat na komunidad sa Partido Erya, Bikol.


 

Matagumpay ang nagawang  dokumentasyon na nagpapakita ng isang malinaw na ambag sa pagpapanatili, pagpapaunlad, at pagpapahalaga ng anyo ng kultura at tradisyong sumasalamin sa pagkamalikhain at pagkamaugnayin ng mga taga-Partido sa kanilang lokal na kapaligiran.


 

Malinaw na napunuan niya ang kakulangan o kawalan ng mga pag-aaral tulad ng katutubong paggagakot bílang isang katutubong estratehiyang tumutugon sa panganib ng kapaligiran. Ang saliksik ay maituturing bílang isang akademikong sulatín, mahalagang ambag ang tesis na ito sa pagtuturò ng mga asignaturang Filipino, Kasaysayan at iba pang araling saklaw ang pagpapahalaga at pagkakakilanlan.



Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay isang gawad para sa pinakamahuhusay na tesis at disertasyon na isinulat gámit ang wikang Filipino para sa mga larang akademiko, lalo na sa agham pangkalikasan, agham panlipunan, at matematika. Layunin ng gawad na ito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo ang pagsusulat at publikasyon ng mga akdang orihinal at ambag para sa intelektuwalisasyon at modernisasyon ng Filipino.


About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT