BREAKING

Tuesday, January 27, 2026

๐Š๐–๐… ๐š๐ญ ๐ˆ๐’๐” ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐ ๐๐š ๐ง๐  ๐Œ๐Ž๐”

 



Wazzup Pilipinas!? 


 


Pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Isabela State University (ISU) ang kanilang ugnayan tungo sa pagtataguyod ng kapakanang pangwika at pangkultura sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum ng Unawaan (MOU), noong 16 Enero 2026 sa Bulwagang Romualdez, tanggapan ng KWF.


Layunin ng kasunduang ito na higit na mapatatag at mapaigting ang pagkakaisa ng dalawang panig sa pagsulong, pagpapaunlad at pagpapalaganap wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas, kabilang ang Filipino Sign Language.


Sa panig ng KWF, nilinaw ni Tagapangulo Atty. Marites A. Barrios-Taran na mahalaga para sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ang aktibong ugnayan ng KWF at mga institusyong akademiko sa mga programang pananaliksik, pagsasanay, at adbokasiyang pangwika, dahil ito ay hindi lรกmang tungkulin ng iilan.


"Ang kasunduang ito ay buong sinusuportahan ng Komisyon," pahayag ni Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi ng KWF.


Ipinaabot ng Pangulo ng ISU na si Dr. Boyet L. Batang ang ganap na pakikiisa ng ISU sa pagpapatupad ng mga programang nakapaloob sa kasunduan.


Kasama rin sa mga dumalo mula sa ISU sina Prof. Dr. Precila C. Delima, Pangalawang Pangulo pรกra sa Academic Affairs; Prof. Dr. Isagani P. Angeles, Pangalawang Pangulo pรกra sa Planning and Development; Prof. Dr. Orlando F. Balderama, Pangalawang Pangulo pรกra sa Research and Development, Extension and Training; at Prof. Dr. Hilda A. Manzolin, Pangalawang Pangulo pรกra sa Administrative and Finance.


Kasabay ng pasasalamat sa mga dumalo, binigyang-diin din ni Dr. Carmelita C. Abdurahman, Komisyoner sa Programa at Proyekto, na ang kasunduan ay hindi lรกmang magpapatibay sa pagkakaisa ng dalawang panig, kundi magpapatatag din sa diwa ng pagiging Filipino. 


About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT