BREAKING

Saturday, October 25, 2025

TEATRO TOMASINO BINUBUKSAN ANG IKA-48 TAONG PANAHON NITO SAPRODUKSYONG “KONTRATA KONTRA TAO”


Wazzup Pilipinas!? 



MANILA PHILIPPINES—Inihahandog ng Teatro Tomasino, ang premier theater guild ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang pagtatanghal ng dalawang dula na malikhang sumusuri sa pagkawala ng katarungan sahanay ng mga manggagawa. Ang Kontrata Kontra Tao ay dalawang dulang sumusuri sa peligro ng trabahong marahas at Twin Bill na binubuo ng “Joe Cool: Aplikante” ni Joshua Lim So at “Absurdo: Event Day” ni BJ Crisostomo, sa direksyon nina Ingrid Joyce, Angel Ocampo, at Marga Alfar.


Sa panahon kung saan patuloy na laganap ang karahasan sa sistema ng trabaho, ang produksyon ay nagsisilbing tulay upang mabigyang pribilehiyo ang manonood na maunawaan kung paano unti-unti at kolektibong mabubuwag ang kapaitang matagal nang naka-ukit sa proseso ng pagtrabaho.


Ngayong ika-48 na taon ng Teatro Tomasino, muling naipamamalas ang talento at kasanayan sa larangan ng sining gawa ng pagsunod sa tema na “Sibol” na may layunin na pagyamanin ang kakayahan na maging alas ng sining, sa bawat yugto at bawat puso. Kung kaya’t ang pagbibigay buhay sa Twin Bill na ito ay bunga ng pagsibol ng masining at makabuluhang pagkamit ng kaginhawaan sa hangin ng trabahong patuloy na pumipiring at humahadlang.


Ang Kontrata Kontra Tao ay itatanghal sa Nobyembre 13 (12NH, 3 NH at 6 NG), Nobyembre 14 at 15 (10 NU, 12:30, 3 NH at 6 NG), at Nobyembre 16 (11NU, 2NH at 5NH) na gaganapin sa UST Miguel de Benavides Auditorium University of Santo Tomas. Para sa mga ticket inquiries at karagdagang detalye, bisitahin ang Teatro Tomasino - UST sa Facebook at Instagram o lapitan sina Kervin Nobleza (0915 1235959) at Christian Ayque (0905 364 0166)

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT