Wazzup Pilipinas!?
Upang higit na maisapanahon ang kakayahan ng mga unibersidad at kolehiyo sa iba’t ibang rehiyon, naglunsad ng Webinar sa Korespondensiya Opisyal (WKO) ang Camarines Norte State College (CNSC) sa pagtataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 18–19 Setyembre 2025. Dinaluhan ng humigit 50 na kinatawan mula sa iba’t ibang opisyal at kawani ng mula sa CNSC Office of the President, CNSC OVPAA, CNSC OVPAF, CNSC GCO, CNSC PPD, CNSC Registrar’s Office, CNSC OBS, CNSC PICRO, at CNSC Supply. Kabilang dito ang Nanunungkulang Pangulo, Kgg. Edgar P. Aban, Pangalawang Pangulo sa Ugnayang Pang-akademiko, Kgg. Dolores C. Volante, at ang Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, Dr. Rose Ann Dela Paz-Aler.
Binigyang-diin ng Tagapangulo ng KWF, Atty. Marites A. Barrios-Taran, ang pagtalima sa Atas Tagapagpaganap 335 at ang paggamit ng wikang Filipino sa araw-araw bilang mga lingkod bayan.
Tampok sa WKO ang intensibong pagtuturo ng Ortograpiyang Pambansa, paggawa ng memorandum, resolusyon, liham, at iba pang opisyal na komunikasyon na ginagamit sa serbisyo publiko.
Gayundin, sa unang pagkakataon, ipinalabas ang lektura ni G. Jaime Enage na may layuning pagyamanin ang Baybayin bilang pambansang panulat ng Pilipinas. Ibinahagi rin sa mga kalahok ang mga senyas gamit ang Filipino Sign Language ng karaniwang bati sa Pilipinas.







Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Minuly tydne jsem se zucastnil online prezentace o Filipino Sign Language a oficialni komunikaci ve verejnem sektoru, a narazil jsem na platformu vegashero. Zaujalo me, ze hracem z Ceske republiky nabizi specialni bonusy. Po nekolika neuspesnych spinech u automatu Book of Dead jsem nakonec vyhral vetsi sumu, a pocit napeti byl opravdu vzrusujici. Celou dobu jsem se bavil a relaxoval, a urcite stoji za vyzkouseni, pokud chcete trochu stesti a zabavy.
ReplyDelete