Wazzup Pilipinas!?
Nagsagawa ng Seminar sa Korespondensiya Opisyal ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 28 kawani ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala na nagmula pa sa mga tanggapan nitΓ³ sa NCR, Rehiyon III, V, at IX kasama ang mga kawani sa sentral na tanggapan ng ahensiya mula sa Tanggapan nina OUSEC Libiran – MACRO, OUSEC Salcedo, OASEC Dela Vega, ACTS, BILS, OADC, BMB-E, LGRCB, at OCIO.
Ang pagpapadala ng DBM ng mga kalahok na may ranggo na mulang Administrative Assistant III-V, Information Officer 1-IV, Acting Chief Budget and Management Specialist, Budget and Management Specialist I, Administrative Officer III, Senior Budget and Management Specialist, at Executive Assistant II-III ay patunay lΓ‘mang na seryoso itΓ³ sa pagbibigay espasyo sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na pormal na nag-aatas sa paggamit ng Filipino sa mga opisyal na trasaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan.
Nagbigay ng oryentasyon hinggil sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 si G. Jomar I. CaΓ±ega at nagsilbing tagapanayam sina Dr. Duclay para sa Patnubay sa Paghahanda ng Korespondensiya; Dr. Lamarca sa Ortograpiyang Pambansa, at Komisyoner Mendillo Jr. para sa Introduksiyon sa Pagsasaling Pampamahalaan.
Personal na sinaksihan at nagbigay ng hΓ‘mon at inspirasyon sa mga kalahok hinggil sa halaga ng Filipino sa serbisyo publiko ang bagong hirang na Tagapangulo ng KWF na si Atty. Marites A. Barrios-Taran. Binigyang-diin din sa kaniyang talumpati ang hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto. Ang SKO sa DBM ang unang pormal na pagharap sa publiko ni Atty. Taran bΓlang tagapangulo ng KWF.

Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
It’s interesting to see how orientation and guidance sessions like this can inspire and challenge us in different ways. Sometimes, after a long day absorbing so much information, I like to take a break and clear my mind with something simple. I tried lucky star app because they offer special bonuses for players from India. I had a few rough spins at first but then hit a big win that helped me relax and recharge for the next day.
ReplyDelete