BREAKING

Sunday, August 31, 2025

PUMAPATAY ANG KORAPSYON: Opisyal na Pahayag ng Kabataan ng PasigLaban Tungkol sa Korapsyon at Palpak na Flood Control Projects


Wazzup Pilipinas!?



Pasig City, Philippines - Nitong mga nagdaang araw, umalingawngaw ang isyu ng garapalang korapsyon sa kabi-kabilang flood control projects sa iba’t ibang panig ng bansa, kinasasangkutan ng mga kongresista at malalaking construction companies. Ang pagsisiwalat na ito ay pinangunahan nina Mayor Vico Sotto ng Pasig at Mayor Benjamin Magalong ng Baguio matapos ang matitinding pagbaha sa kabila ng mga proyektong isinagawa. Sa mahabang panahon na namumutawi ang korapsyon sa Pilipinas, tila nakasanayan na ng mga Pilipino ang mamuhay kasama ito—na para bang ito’y normal at bahagi na ng ating sistema. Imbes na kasuklaman, tinanggap na lamang ito ng karamihan. Bilang mamamayan at kabataang may malasakit, dapat na itong matuldukan.


Maraming Pilipino ang napeperwisyo dahil sa mga substandard na flood control projects na ipinapatayo bilang panandaliang solusyon sa problema ng baha. Sa kabila ng milyun-milyong pisong inilaan para rito, napupunta pa rin ang malaking bahagi sa bulsa ng mga ganid na pulitikong inuuna ang pansariling interes kaysa sa kapakanan ng mamamayan.


Kaming mga kabataan ay nakikiisa sa krusadang inumpisahan ng Pasig LGU tungo sa malinis at tapat na pamamahala. Kasama kami sa pagtindig ng iba pang lokal na lider at mga Pilipinong pagod at isinusuka na ang walang habas at hayagang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ang sistematikong korapsyon sa loob ng maraming dekada ay maaari nating wakasan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok—hindi lamang sa pambansang antas kundi maging sa kani-kaniyang mga barangay. Maging kritikal at aktibo sa bawat pagkakataon, makilahok sa bawat espasyo ng partisipasyon sa inyong komunidad, at patuloy na iparinig ang kolektibong tinig laban sa bawat anyo ng katiwalian.


Hindi sapat ang magalit, malungkot, o manlumo sa mga anomalya at korapsyong nagaganap sa ating bansa. Gamitin nang mahusay ang ating mga karapatan upang higit na marinig ang ating panawagan. Huwag nating hayaang maging karaniwan ang pagnanakaw at paglapastangan sa kaban ng bayan. Hindi ito normal at kailanman ay hindi magiging normal. Ituring nating kasuklam-suklam na kasalanan ang korapsyon sapagkat hindi lamang nito sinisira ang kasalukuyan, kundi winawasak din ang kinabukasan nating mga kabataan.


Mahaba man ang laban kontra katiwalian, isa itong mahalagang hakbang tungo sa mas malinis at progresibong bukas. Wakasan ang maling nakasanayan at sama-sama nating iahon ang ating bayan. ##




About PasigLaban Kabataan Inc

PasigLaban Kabataan Inc. is a youth-powered organization in Pasig City dedicated to empowering young persons to become informed, proactive, and compassionate leaders in their communities. Since 2022, we have developed programs on education, health, climate action, disaster resilience, and active citizenship, with a strong focus on addressing urgent youth issues such as literacy, mental health, and access to support services. Through peer-led initiatives, advocacy, and collaborative projects, we create safe, inclusive spaces where young people can engage meaningfully and drive positive change.


Additionally, we also proudly serve as Chairperson of the COP on Education of the Pasig City Youth Development Council (2024–2026) and CSO Representative for Youth and Students in the Pasig City Local School Board (2022–2025), ensuring that youth voices shape local policies and programs. Our mission is to build a generation of empowered young leaders committed to equity, health, and community resilience.


PasigLaban Kabataan

Facebook: PasigLaban | Facebook

Instagram: @pasiglaban_kabataan | Instagram

Email: hello@pasiglaban.org


About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT