BREAKING

Connect With Us

Thursday, December 31, 2015

Goodbye Feelings: Ang Paputok Para sa Mga Hindi Maka-Move On!


Wazzup Pilipinas!

Kung may paputok na ‪"‎Goodbye Philippines‬, "Goodbye Colombia" at kung ano-ano pang "Goodbye," may ‪"Goodbye Feelings‬" na din. 

Sobrang lakas itong pumutok sa una pero pag natapos parang wala lang nangyari! Ito na ang pinakamabentang paputok ngayong Bagong Taon para sa mga hindi maka-move on. 

Para ito sa mga lovers na nagbreak na at nagmamahal ng pasekreto. ‪#‎GoodByeFeelings‬ paputok, Pero bago ito paputukin kailangan isabay mo ang sakit at hinanakit mo para sa taong ito, Para kasabay ng pagsabog nito ang pagtatapos ng feelings mo sa kanya. 
"Paalam sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sa mga umaga na hiniling kong sana matapos na agad ang araw na ito. Sa mga gabing hindi ako pinatulog ng libong karayom na sabay sabay tumutusok sa puso ko.

Paalam na sa mga luhang iniyak ko. Mga luha na nag-uunahan sa pagpatak mula sa mata ko. Sa mga basang unan at panyo. Sa mga panahong tanging hikbi lang ang maririnig mula sa kwarto ko.

Paalam na sa mga bagay na gumugulo sa utak ko. Sa mga bagay na nagpapabigat sa damdamin ko. Sa mga tanong na walang kasagutan at sa mga sagot na kahit kailan dimo malalaman.

Paalam na sa mga oras na nasayang ko sa maraming bagay, pati narin sa maling tao. Sa panahon na nagtiwala ako sa mga panahong naging mahina ako sa mga pagkakataong puso ko lang ang pinaiiral ko. Nadismaya lang ako.

Paalam na sa dating ako. Dating ako na laging inuuna ang iba sa dating ako na bigay lang bigay hangga't wala ng matira para sa sarili ko. Sa dating ako na patuloy na nagmamahal kahit walang pagmamahal ang nilalaan sa kanya,

PAALAM NA SA DATING AKO NA HINDI NA MULING BABALIK PA!" - Trina Mae Cuevas Edesa





Bye bye hurts, disappointments, discouragements, frustrations, loneliness, anger, moodswings, etc. No heartaches anymore. Para mawala na ang lahat ng masasakit na naramdaman at pinagdaan mo sa nakaraan. Goodbye Feelings!!!

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT