BREAKING

Thursday, February 2, 2023

Bayanihan E-Komsulta, patuloy na umaarangkada, mahigit 6,000 pasyente, natulungan!


Wazzup Pilipinas!?



Sa loob lamang ng limang buwan, mahigit 6,000 pasyente ang nabigyan ng kalingang medikal ng Angat Buhay Foundation ni dating Bise Presidente Leni Robredo sa ilalim ng programang Bayanihan e-Konsulta.

Mula Hulyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon, mahigit 1,000 doktor, nars, at non-medical volunteers ang nagtulungan sa mga virtual checkup sa ilalim ng nasabing programa.

Bukod dito, halos 800 COVID care kits din ang naipamahagi sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang lugar at komunidad sa loob ng National Capital Region (NCR).


 

“Ano mang karamdaman at hamon ang dumating, kayang-kaya nating harapin basta’t nagbabayanihan tayo,” sabi ni Raffy Magno, executive director ng Angat Buhay.

Ngayong 2023, nais pang palawakin ng Angat Buhay ang programa ng Bayanihan e-Konsulta, kasama ang pagsasalokal ng mga serbisyo at pagpapalakas ng mga programa patungkol sa mental health.

Grupo ng mga Vloggers at Dentista magsasagawa ng libreng Dental and Medical Mission


Wazzup Pilipinas!?


Ang Philippine Vloggers Elite at ang Dentist for BBM SARA, kasama ang mga Medical Doctor Volunteers at sa pakikiisa ni Kagawad Bernie Galay at Chairman Mariano Victorio ay maghahatid sa Barangay 111 Zone 9 ng Tondo, Manila ng libreng Dental service kasabay ng selebrasyon ng National Dental Health Month. 

Bukod sa Dental services ay magkakaroon rin ng free Medical consultation with physical assessment.

What: Dental and Medical Mission (Tooth Extraction for Adults and flouride treatment for kids up to grade 2). Free Medical Consultation and Physical Assessment.

When: February 19,2023 8am-12nn

Where: Barangay 111 Zone 9 Basketball Court in front of barangay hall, Tondo Manila near Herbosa St. 


Ito ay isa sa mga panimulang proyekto ng mga naturang grupo para makapagbigay tulong sa ating mga kapuspalad na mamamayan lalo na sa mga komunidad na bihirang mapuntahan ng mga tulong. Magpapatuloy ang mga ganitong outreach programs sa mga iba pang lugar para mas maraming makinabang ng iba pang libreng serbisyo mula sa mga naturang grupo.

Senadora Imee Marcos: Walang tigil na smuggling, nakakagalit, nakakabagabag, nakakalungkot


Wazzup Pilipinas!?



Nababagabag si Senadora Imee Marcos sa biglaang pagpapaliban ng House committee on agriculture and foods sa imbestigasyon sa kontrobersyal na isyu ng smuggling sa bansa.

Ayon Kay Marcos, chairperson ng Senate committee on Cooperatives, nababagabag siya sa mga alegasyon patungkol sa smuggling, lalo na’t personal nyang nalaman ang mga paghihirap ng ating mga kababayang magsasaka.

Giit ng Senadora marapat lamang na mariing imbestigahan na ang akusasyon nang walang halong takot at pagpabor hanggang sa malaman natin ang buong katotohanan para sa mga magbubukid at sa ngalan ng katarungan.

“NAKAGAGALIT, NAKAKABAGABAG at NAKALULUNGKOT ang walang tigil na smuggling sa mga produktong agrikultura kaya dapat ituloy ang hearing. Kahit sinuman ang tamaan, dapat walang sasantuhin ang gobyerno,” gigil na pahayag ni Marcos.

“Wala na sanang postponements, nang sa gayon, matapos ang maraming taon ng paglusot at pagsalag, makulong na habambuhay ang mga kriminal, smugglers at mga walang malasakit na pasimuno nitong malawakang pagsasabotahe sa ating agrikultura!,” diin ni Marcos

Sa panig ng Senado, sinabi ni Marcos na itutuloy nila ang pagdinig hanggang hindi nakakasuhan at naipakukulong ang mga smuggler at kasabwat nila sa mga ahensya ng gobyerno.

Sa nakalipas na Senate hearing, tinukoy na ang mga pangalan ng bigtime smugglers pero walang ginawang aksyon ang Bureau of Customs.

Noong Jan. 23, pinaimbitahan naman ni Sultan Kudarat 2nd district Rep. Horacio Suansing Jr. ang sampung bigtime agri smugglers na sina Leah “Luz” Cruz, Manuel Tan, Jun Diamante, Andrew Chang, Michael Ma, Lujene Ang, Beverly Peres, Lucio Lim, Gerry Teves at alyas “Aaron”.

Pinasisipot ni Marcos sa susunod na hearing ng Senado si Bureau of Customs Commissioner Yogi Ruiz dahil sa ilang beses na pang-iisnab nito. 


Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT