Wazzup Pilipinas!?
Ginanap ang Seremonya ng Pagtatapos ng unang batch ng programang Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) sa wikang Alta para sa Taรณng Panuruan 2024–2025 noong 1 Hulyo 2025 sa Aurora State College and Technology (ASCOT), Baler, Aurora. Limang apprentice na Alta ang nagtapos sa naturang programa. Ang programang ito ay nakatuรณn sa isahang pagtuturo ng wika (one-on-one) ng tagapagsalita ng wika (master) at isang mag-aaral ng wika na nasa hustong gulang (adult apprentice).
Pagkaraan ng seremonya ng pagtatapos, inilunsad din ang Ortograpiyang ti Alta (Ortograpiya ng Alta). Naglalaman ito ng mga tuntunin sa pagsulat ng wikang Alta na makatutulong sa paggamit nito sa paaralan. Binuo ito ng mga elder at komunidad ng Alta sa Aurora, mga guro ng Kagawaran ng Edukasyon-Aurora, at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Pebrero 2023.
Dinaluhan ito ng Pangalawang Pangulong Akademiko ng ASCOT, Dr. Maria Luz Cabatan; Direktor ng Extension and Rural Development Office-ASCOT, Gng. Glenda Gines; Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura-ASCOT, Bb. Angelica Vallejo; mga guro sa Kagawaran ng Edukasyon-Aurora na sina Gng. Sandra Benitez, Gng. Mercy Camonao, at Gng. Mariane Pelor; Chieftain Perlita Marquez, mga master, at apprentice ng Alta; at mga mag-aaral sa ASCOT.
Pinangunahan ng KWF ang gawain, sa pamamagitan nina Arthur P. Casanova, PhD, Tagapangulo, sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika kasama sina Lourdes Z. Hinampas, Punรณ ng Sangay, at Jennifer S. Bactol, katuwang sina Gng. Gines at Bb. Vallejo ng ASCOT.


Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment