BREAKING

Thursday, September 11, 2025

YAK! Binira ang mga Discaya: Walang Makakatakas sa Ghost Hunting, Mananagot din Kayo!


Wazzup Pilipinas!? 







Para sa YAK! Coalition, malinaw: hindi biktima ang mga Discaya—sila ay aktibong kalahok sa isang bulok na sistemang pabor sa iilan habang nilulunod ang sambayanan.



“Ginagamit nilang palusot ang pamilya at mga empleyado, pero para sa aming mga kabataang Pilipino, ito ang malinaw: hindi pagmamahal ang pagnanakaw. Hindi biktima ang mga Discaya, dahil sila ay aktibong kasabwat sa isang bulok na sistemang kumita mula sa buwis ng bayan habang nilulunod ang mamamayan sa baha at sakuna. Ang mga ‘mema na palusot’ nilang “para sa pamilya at empleyado” ay hindi makakapagtakip sa bilyon-bilyong ninakaw nila, habang libo-libong pamilya ang nawalan ng tahanan at mga kabataan ay nag-aaral sa sira-sirang silid-aralan, ani Khylla Meneses, Secretary General ng Akbayan Youth at YAK Lead Convenor.



Naninindigan din ang YAK na hindi lang ang mga Discaya ang dapat managot. Dahil sa likod ng mga ghost projects ay mga mambabatas, kontraktor, at mga opisyal ng DPWH na matagal nang nananamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan.


“Hindi pagmamahal sa pamilya ang mansyon at smuggled luxury cars na galing sa kaban ng bayan, habang milyun-milyong pamilya ang binabaha at ang mga manggagawa at estudyante ay stranded sa kalsada,” dagdag ni Meneses



“Daig ninyo pa si Poncio Pilato sa paghuhugas ng kamay. Ang listahan na inilabas ninyo ay hindi pag-amin kundi ebidensya ng sindikatong matagal ninyong pinakinabangan. Hindi ito pagsisisi, pruweba ito ng kasalanan,” ani Matthew Silverio, Secretary-General ng Student Council Alliance of the Philippines (SCAP) at YAK Co-Convenor.



”Habang pinakikinabangan ninyo ang bilyon-bilyong nakulimbat, kaming mga estudyante nama’y naiipit ang pag-aaral dahil kaunting ulan lang ay suspendido na ang klase at stranded na kami sa mga gater, dahil sa lumulubog na mga lansangan.” diin pa ni Silverio



“Habang nagnanakaw sa buwis ng taong bayan ang mga kontraktor, nananahimik at nakikinabang ang mga mambabatas. Dapat pareho silang panagutin. Hindi pwedeng may itinatago o pinoprotektahan dahil makapangyarihan,” giit ni Angel Cruz ng Kaya Natin Youth at YAK Co-Convenor.



Panawagan ng Youth Against Kurakot: Ituloy ang Ghost Hunting! Isiwalat ang lahat ng opisyal, kontraktor, padrino, at kasabwat at gawing kadiri ang korapsyon. Ang pananahimik ay pagkakasala. Ang kalahating katotohanan ay pagtatakip sa makapangyarihan.



Ang Youth Against Kurakot (YAK!) ay ang pinakamalawak na koalisyon ng mga organisasyong kabataan, at konseho ng mga estudyante sa Pilipinas na lumalaban para sa pananagutan at para sugpuin ang korapsyon. Pinangungunahan ito ng Akbayan Youth, Student Council Alliance of the Philippines (SCAP), UP ALYANSA, PANTAY, Liberal Youth, Kilos Ko Youth, Kaya Natin! Youth, at Bulakenyos for Good Governance. ##



๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐๐จ๐จ๐ค ๐…๐š๐ข๐ซ, ๐›๐ฎ๐ครก๐ฌ ๐ง๐š!


Wazzup Pilipinas?! 





Inaanyayahan ang lahat na magtรบngo sa Manila International Book Fair 2025 na ginaganap sa SMX Convention Center Manila, MOA Complex, Lungsod Pasay ngayong 10–14 Setyembre ganap na ika-9:00 nu-8:00 ng. Mabibili ang mga Aklat ng Bayan at mamimigay ng iba pang libreng publikasyon (hanggang may available) sa mga maagang bibisita sa booth ng KWF na nรกsa 2/F Function Hall, Booth No. 2-95 to 96.








Higit 60 aklat ang mapagpipilian ng mga mamimili sa lumalaking koleksiyon ng KWF Aklat ng Bayan mula sa mga sangguniang aklat sa panitikan at kulturang Filipino, mga saliksik, isinaling klasikong akda, at iba pang babasahin

DepEd responds to PBBM's call for better teacher compensation through new overtime policy


Wazzup Pilipinas!? 




MAKATI CITY, 9 September 2025 — In line with President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.’s call for improved teacher compensation, the Department of Education (DepEd) has issued DepEd Order No. 26, s. 2025, which sets the Guidelines on the Payment of Overtime Services of Teachers. The policy ensures that public school teachers who go beyond their six-hour teaching load will now be compensated for their overtime work. 


Education Secretary Sonny Angara said the move underscores DepEd’s commitment to value teachers’ sacrifices and align with the President’s push to provide additional support and benefits. 


“Mahalaga para sa Kagawaran na mabigyan ng sapat na kompensasyon ang ating mga guro—lalo na kapag sila ay naglalaan ng dagdag na oras sa ating mga paaralan. Tugon natin ito sa panawagan ni PBBM na tiyaking may dagdag na benepisyo at kompensasyon ang ating mga guro,” Angara said. 


The guidelines specify that overtime pay applies only to teaching-related assignments performed within schools, making sure that extra hours spent in service of learners are properly recognized and rewarded. 


Teachers will be compensated at 125% of their hourly rate for overtime rendered on regular workdays, and at 150% for services rendered on weekends, holidays, and special non-working days. 


Furthermore, DepEd clarified that: 

During weekdays: At least two (2) hours of overtime will be granted monetary compensation. Less than two hours will be converted into Vacation Service Credits (VSC).

During weekends, holidays, and special non-working days: Up to four (4) hours of overtime will be compensated monetarily, with any excess converted into VSC.


The policy applies to all full-time DepEd-employed teachers, including those in the Alternative Learning System (ALS) under permanent, substitute, and provisional appointments. Teachers are reminded that overtime must be pre-approved by the school head or authorized official and rendered only when strictly necessary. 


“Nagpapasalamat tayo sa ating mahal na Pangulo dahil laging nasa pinakamataas ng kanyang prayoridad ang edukasyon—lalo na ang kapakanan ng ating mga guro. Patuloy nating isusulong ang mga makabuluhang inisyatiba upang higit pang iangat ang dignidad at kapakanan ng ating mga guro,” Angara added. 


This latest issuance builds on the reforms introduced last year, when Secretary Angara signed DepEd Memorandum No. 53, s. 2024, which set out concrete implementation guidelines for DO 5, s. 2024. The Order streamlined the rationalization of teachers’ workload in public schools and the payment of teaching overload. These measures aim to foster a more supportive work environment by ensuring that teachers are fairly compensated for additional responsibilities. 

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT