Wazzup Pilipinas!?
Nagsagawa ng isang mahalagang talakayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) hinggil sa “Pag-unawa sa Kalusugang Pangkaisipan at Pangangalaga sa Sarili sa Konteksto ng Kababaihan at Kasarian” noong 24 Marso 2026 sa Bulwagang Romualdez, KWF.
Tinalakay ito ng tagapanayam na si Bb. Anna Myrishia R. Villanueva, RGC, isang Guidance Services Specialist II mula sa UP Diliman Gender Office.
Aktibong nakinig at lumahok ang mga kawani ng KWF sa pangunguna ni Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran na nagbigay rin ng mensahe hinggil sa kahalagahan ng isinagawang talakayan.
Ang gawaing ito ay bahagi ng taunang pakikiisa ng KWF sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan sa buong bansa.

Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment