BREAKING

Tuesday, February 3, 2026

๐Š๐–๐… ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ

 







Wazzup Pilipinas!? 




Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagpapalakas ng opisyal na komunikasyon sa Filipino—isang mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng pamantayan at propesyonalismo sa mga institusyon—sa isinagawang Seminar sa Korespondensiya Opisyal noong 15 Enero 2026 sa University of the Assumption, San Fernando, Pampanga.


Sa naturang seminar, tinalakay ang Korespondensiya Opisyal (KO) at Ortograpiyang Pambansa (OP) bilang mahahalagang kasangkapan sa paglinang ng malinaw, episyente, at epektibong komunikasyon sa loob ng mga institusyong pang-edukasyon at pampubliko. Sa pamamagitan ng mga panayam at talakayan, ipinakita na ang wastong paggamit ng wika ay may direktang implikasyon sa kalidad ng serbisyo, kaalaman, at ugnayan sa loob ng mga tanggapan.


Ibinahagi Bb. Kirsteen D. Abustan ang panayam sa Korespondensiya Opisyal, na nakatuon sa tamang anyo at estruktura ng liham, memorandum, kapasiyahan, at iba pang korespondensiyang ginagamit sa mga institusyon. Samantala, pinangunahan ni Bb. Angelica Ellazar ang pagtalakay sa Ortograpiyang Pambansa na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtalima sa tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita sa wastong pamantayan at gamit sa layuning mapanatili ang propesyonalismo sa mga opisyal na dokumento.


Dumalo at nagpakita ng suporta sina Komisyoner Carmelita C. Abduhraman at Komisyoner Reggie O. Cruz sa mandato ng KWF sa pagpapalaganap at pagpapaigting sa paggรกmit ng wikang Filipino sa akademya at serbisyo publiko.


Dumalo rin ang mga mag-aaral, guro, librarian, at iba pang kawani ng pamantasan, na naging aktibo sa pagbabahagi ng kaalaman at karanasan kaugnay ng mga paksang tinalakay. Ang kanilang partisipasyon ay nagpapatunay sa lumalaking interes at pangangailangan para sa pagsasanay sa wasto at epektibong paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon.


Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, sa pangunguna ng KWF, ay humihimok sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamรญtin ang Wikang Filipino bilang opisyal na wika ng komunikasyon at korespondensiya sa serbisyo publiko.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT