BREAKING

Tuesday, February 3, 2026

๐€๐ค๐ฅ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ, ๐ˆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ฌ๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐ข ๐๐š๐ฅ๐ฆ๐š๐ฌ๐ž๐๐š


Wazzup Pilipinas! 



Inilunsad ng KWF ang aklat na Ubbรณg Ti Asin: Kuwento at Kuwenta ng mga Babaeng Manunurat ng Nueva Vizcaya sa Gawad Julian Cruz Balmaseda na ginanap sa awditoryum ng PIA noong 28 Enero 2026.

Ang aklat na isinulat ni Dr. Lovella Gamponia-Velasco ay tungkol sa danas ng mga babaeng manunulat sa Nueva Vizcaya na madalas naisasantabi o hindi nabibigyang-pagkilala ang malikhaing talino sa larangan ng panitikan.



Ayon sa awtor, ang ubbรณg ti asin ay Ilokanong termino na literal na nangangahulugang “salt spring” sa Ingles at ipinahahayag bilang metapora ng kababaihang manunulat na hindi kilala.



Sa konteksto, mayroong ubbรณg ti asin na dating dinarayo sa Nueva Vizcaya na tumigil sa pagluwal ng tubig at asin noong dekada 90 dahil sa isang lindol. Pagkatapos ng maraming taon, nagkaroon ng bagong ubbรณg ti asin na patuloy pang lumalaki at pinangangalagaan sa lalawigan.



Inuugnay ito ni Gamponia-Velasco sa kaniyang akda sa pagbawi, pagkilala, at pagbibigay-boses sa mga babaeng manunulat mula sa Nueva Vizcaya.



Mula ang aklat na ito sa nagwaging disertasyon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda noong 2017. Ang Gawad Balmaseda ay pagkilala sa pinakamahusay na tesis at disertasyon na nakasulat sa Filipino bilang ambag sa intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.



Si Gamponia-Velasco ay kasalukuyang nanunungkulan bilang Professor 6 sa Research and Development Office at Campus Coordinator ng Nueva Vizcaya State University.


About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT