Wazzup Pilipinas!?
Pormal nang nilagdaan ang isang makasaysayang Memorandum ng Unawaan (MOU) sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Limay Polytechnic College (LPC) noong 27 Pebrero 2026 upang itatag ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa loob ng institusyon.
Ang naturang pagtitipon ay itinuturing na kauna-unahang lagdaan ng MOU na isinagawa sa isang opisina ng KWF na matatagpuan sa Harvester, Cubao, Lungsod Quezon.
Pinangunahan ni Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF, ang seremonya kasama ang Pangulo ng Limay Polytechnic College na si Dr. Elmer B. De Leon. Layunin ng kasunduan na paigtingin ang pagpapalaganap, pagpapaunlad, at preserbasyon ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa lalawigan ng Bataan sa pamamagitan ng akademikong pagtutulungan.
Bilang bahagi ng implementasyon ng kasunduan, itinalaga si Bb. April R. Cruz bilang direktor o tagapanguna ng bagong tatag na Sentro ng Wika at Kultura sa loob ng LPC. Inaasahang magsisilbi ang SWK bilang katuwang ng KWF sa mga pananaliksik, seminar, at mga gawaing pangwika sa rehiyon.
Ang pagpili sa Harvester, Cubao bilang lunan ng pirmahan ay hudyat ng mas malawak na pag-abot ng serbisyo ng KWF sa publiko at mga katuwang na ahensiya.
No comments:
Post a Comment