Friday, March 27, 2026

𝐌𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐰𝐢𝐤𝐚, 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐊𝐖𝐅 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧


Wazzup Pilipinas!? 



Nakipagpulong si Tagapangulong Atty. Marites Barrios-Taran ng KWF kay Gobernador Edgar Aglipay sa pagbisita sa Cagayan Provincial Capitol, Lungsod Tuguegarao noong 17 Marso 2026.


Ibinahagi sa pulong ang mga gawain at programa ng KWF sa pagpapaunlad at pangangalaga ng wikang Filipino at mga wika ng Pilipinas.





Dumalo rin dito sina Undersecretary Harold Cabreros ng Office of Civil Defense (OCD) at Vice Mayor Lloyd Antiporda ng bayan ng Buguey upang ibahagi ang pag-unlad at kalagayan ng Cagayan Valley.


Napagtuonan ng usapan ang pagtugon sa krisis sa literasiya ng kabataan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa wika, kultura, at kasaysayan sa mga paaralan.


Napagkasunduan ng mga opisyal na maglatag ng mga hakbang upang mapangalagaan ang mga nanganganib na wika sa lalawigan at mapanatili ang lokal na identidad ng mga mamamayan.


No comments:

Post a Comment