Wazzup Pilipinas!?
Pormal nang nilagdaan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Philippine Normal University (PNU) ang Memorandum ng Unawaan (MOU) noong 16 Marso 2026 sa PNU Gymnasium.
Ang MOU na ito ay para sa pagtatatag ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa pamantasan. Layunin nitong paigtingin ang mga programa at pananaliksik na magsusulong sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang Filipino sa bansa.
Binuksan ang programa sa pagpapahayag ng mensahe ni Dr. Bert J. Tuga, Pangulo ng PNU, tungkol sa kahalagahan ng akademikong pakikipagtulungan.
Nagpahayag naman ng suporta rito si Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran ng KWF at ibinahagi ang bisyon ng komisyon para sa masiglang ugnayan sa mga unibersidad.
Ang hakbang na ito ay inaasahang magbubukas ng pinto para sa mga bagong proyekto, seminar, at publikasyong lalong magpapatatag sa pambansang wika.
No comments:
Post a Comment