Wednesday, November 29, 2017

Season 9 Production: Pasko Sa Bahay Kalapati



"Maligayang Pasko!", may ililigaya pa ba ang pasko kung sa paghihirap at problema ika'y lubog? Makakaramdam pa ba ng pagmamahal sa kabila ng mga pagsubok? Makararanas pa ba ng katahimikan sa lugar na maingay at mga mata ng tao'y laging nakatutok?

Inihahandog ng TINIK NG TEATRO ang 'Season 9 Production: Pasko Sa Bahay Kalapati' sa darating na ika-6 ng Disyembre, taong 2017 ganap na ala-una (1:00 n.h) at alas-tres (3:00 n.h) ng hapon na gaganapin sa Adamson University Theater.

Sa panulat at direksyon ni Rachel Ann Gianan.

Para sa tiket at iba pang katanungan maaari lang na mag-text o tumawag sa sumusunod na mga numero: 09081397142 / 09357442044

*Ang bahagi ng malilikom na kita ay gagamitin sa outreach activity ng Tinik Ng Teatro sa January 2018.

#TNTPaskoSaBahayKalapati 
#TNTKudos 
#TinikNgTeatro

No comments:

Post a Comment