2026ë 4ě 10ěź ę¸ěěź
đđđŚđđđ§đŹđđ§đ đđŽđĽđ˘đŹđ˛đ đđ đđđ , đđđ đŠđŽđĽđ¨đ§đ đŹđ đđđ đ đđŚđ˘đ đ§đ đ đ˘đĽđ˘đŠđ˘đ§đ¨ đŹđ đđđŤđđ˘đŹđ˛đ¨ đđŽđđĽđ˘đ¤đ¨
Wazzup Pilipinas!?
Sa atas ng tagapangulo ng Komisyon, Atty. Marites A. Barrios-Taran, nagsagawa ng bisita-opisyal si Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi sa tanggapan ni Pulis Heneral Jose Melencio Nartatez Jr.,Puno ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas noong 23 Marso 2026, sa Punong Himpilan, Kampo Crame.
Tinalakay ni Komisyoner Mendillo ang pagpapatupad ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 o paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan, kasama ang pagsasalin ng Miranda Rights sa wikang Filipino sa mga bernakular na wika at ang implementasyon ng Batas Republika Blg. 11106 na nagtataguyod sa paggamit ng Filipino Sign Language (FSL) sa mga pampublikong serbisyo, kabilang ang sektor ng seguridad.
Kabilang din sa mga natalakay ang pagkakaroon ng FSL inset sa Lupang Hinirang sa kanilang tanggapan, gayundin ang pagpapalakas ng ingklusibong serbisyo para sa mga Bingi.
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay aktibong kaakibat ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa ingklusibo, episyente, at makataong serbisyo para sa ligtas na komunidad.
#
ëę¸ ěě:
ëę¸ ě°ę¸°