Monday, March 30, 2026

𝐌𝐎𝐔 𝐧𝐠 𝐊𝐖𝐅 𝐚𝐭 𝐃𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞, 𝐍𝐢𝐥𝐚𝐠𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐒𝐖𝐊


Wazzup Pilipinas!? 



Nilagdaan ng Komisyon sa Wikang Filipino at Daraga Community College ang isang Memorandum ng Unawaan kaugnay ng pagtatatag ng Sentro ng Wika at Kultura sa nasabing institusyon. 


Kinatawan nina Tagapangulo Atty. Marites A. Barrios-Taran, Komisyoner Benjamin M. Mendillo (para sa Pangasiwaan at Pananalapi) , at Komisyoner Carmelita C. Abdurahman (para Proyekto at Programa) ang KWF.






Kinatawan naman nina Dr. Melvin M. Goyena (VP for Academic Affairs) at Prof. Keenen Christian O. Lim (Direktor ng SWK) ang Daraga Community College.


Layunin ng kasunduan na maitatag ang SWK sa Daraga Community College bilang sentro ng pagsusulong, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng wika at kulturang Filipino sa larang ng edukasyon at pananaliksik.


No comments:

Post a Comment