BREAKING

Connect With Us

Wednesday, December 2, 2015

Duterte for President: Are We Ready for Digong the Punisher?


Wazzup Pilipinas!

He has been called the mayor with an iron fist, a bloody one that is, since he is rumored to be killing offenders minus the benefit of a trial. They say if you cross him, you'll end up dead on the streets with a label that says "Kriminal! Huwag Tularan!" Very outspoken, he could very well be openly claiming all killings of alleged criminals who operated in Davao.

"Duterte is noted for transforming the city from the murder capital of the nation to what tourism organizations there now call "the most peaceful city in Southeast Asia." He's been suspected of being involved with the vigilante outfit Davao Death Squad and has been criticized by human rights groups for tolerating extrajudicial killings of alleged criminals."

Is majority of Davao living in fear that is why they are afraid to irk the Mayor? or are they really in favor of his ways since Davao is also known as one of the safest cities in the Philippines? Safe because no one dares to commit any crime if they want to remain among the living.

But the recent news shows even some more of the worst sides of the Mayor Rodrigo Duterte showing him as a womanizer and disrespectful to the highest Catholic leader, the Pope. However, many still find him the better option compared to the rest of the presidentiables.


Many are still trying to depend him saying they will rather vote for someone who is honest enough to admit his not-so-good personal traits, and voice out his deepest concerns against anybody no matter who he is.

Do we really want a leader who seems to be a "role model" of goodness but has no actual and concrete contribution to the welfare of society? or do we want a leader who boasts of his shortcomings and "eccentricities" but has implemented a lot of policies and regulations that has made Davao among the most ideal cities that everyone else should emulate.

Will you vote for Duterte? That would depend on what you believe in today and what you want to happen for our near future. I know the current state of a city like Davao should not be just the basis to choose a president wannabe, but it's different from just how debatable Makati's progress was to be credited to another Mayor, and might be more similar to how several journalists were killed at the Maguindanao massacre because of another Mayor. 

Below are some personal articles that I got from my social media timeline and is re-posting them for your own consumption. Rightful credit goes to the respective authors.


10 PUTANG INANG POLICIES NI MAYOR DUTERTE NA INIMPLEMENT SA DAVAO CITY!
by Ian Enero

1. SMOKING ORDINANCE - Ginawa itong ordinance na to in 2002,hindi pa ako marunong manigarilyo nun. It was in 2005 when I started smoking. It wasn't seriously implemented yet that time but after a few years sineryoso na talaga ang pagimplement ng anti-smoking ordinance. Nakakairita nung panahon na yun kasi gusto mong magyosi hindi na pwede kahit saan. But later on you'd realize tama rin naman yun eh, 2nd hand smoke is dangerous. Kung gusto mong magpakamatay
eh wag kang mandamay ng ibang tao.

2. TOTAL FIRECRACKER BAN - I was 12 years old when this was implemented. Simula nung 9 years old ako nahiligan ko ng magipon ng allowance para tuwing december makakabili ako ng maraming kwitis at kung anu-ano pang pailaw. Eh potang ina hinding hindi ko na mararanasan pang
magsindi ng kwitis at panoorin itong lumipad at pumutok. Pero katagalan as you grow older hindi lang rin naman asko at new year.Kung tutuusin, enjoy na rin kaming maghagis ng kaldero at kung ano ano pang bakal sa daan sabay on ang alarm ng mga sasakyan. Siguro kung hindi  inimplement yung firecracker ban baka sa sobrang hilig ko sa firecrackers eh matagal na wala mga daliri ko. lol

3.NO TO BORA-BORA or MODIFIED MUFFLERS - Wala akong motor. Okay lang sa akin to. lol

4.VIDEOKE USAGE RESTRICTION - Eh sino bang Pinoy sa lupa ng Pilipinas ang hindi mahilig  magvideoke? Kahit gaano pa ka sintunado ang boses nyo hahawak at hahawak ka pa rin ng microphone, lasing ka man o hindi basta may get together eh kakanta ka talaga. Eh potang ina, binawal na ang pagvivideoke sa mga public establishments hanggang 10pm nalang. Nakakabadtrip dba? Pero naranasan mo na ba tumira malapit sa isang establishment kung san nagpapavideoke sila hanggang madaling araw? Hindi ka makatulog ng maayos dba kasi ang ingay nung kumakanta, masmaganda pa boses ng manok kung ito ay nagtitila-ok. Isipin mo na lang masmasarap talaga
matulog ng mahimbing na wala kang maririnig na nagvivideoke. lol

5.SPEED LIMIT ORDINANCE - 17 years old ako nung simula akong magmaneho magisa. Syempre idol ko si Paul Walker, eh kung gawin ko rin kaya yun sa highway. Pero kalaunan nung nakatikim na akong mabundol ng epal na driver na ang bilis magmaneho tapos ako ang bagal ng patakbo that time, eh natural mahihighblood ako.Doon mo na maiisip na medyo mali talaga magFast and furious ka sa kalsada. lol Eh nakatikim na rin ako na mahuli dahil overspeeding, mahirap ang parusa magbabayad ka ng fine plus isang araw ang mawawala sayo sa pagaantay na makuha ulit ang lisensya mo. Eh mas mainam nalang yung mabagal ka magpatakbo kaysa makabangga ka ng tao,sasakyan mas malaki babayaran mo or mahuhuli kang overspeeding mawawalan ka ng isang araw at syempre ang pera na ibabayad mo sa fine.

6.LIQUOR RESTRICTION
- Lahat ng mahilig magparty, uminom na parang wala ng bukas alam na alam ito! 2013 <--ang taon sinimulang iimplement ito. Liquor ban is from 1am-8am. Eh kung gusto nyong uminom hanggang umaga, bumili na lang kayo sa kung sang convenience store meron at doon kayo uminom sa bahay nyo or bahay ng kaibigan nyo. This was made para iwas disgrasya sa mga nagmamaneho ng lasing. Before this LIQUOR RESTRICTION, trust me, palagi akong nanonood ng news sa tv at nakikinig rin ng news sa radyo, ang daming namamatay sa kalsada dahil sa vehicular accidents at ang dahilan, lasing ang nagmamaneho. Sino ba naman gusto mawalan ng kamag-anak
dahil lasing yung driver ng sasakyan na nakabundol sa kamag-anak nyo?

7. NO TO DISHONEST TAXI DRIVERS - This ordinance prohibits taxi drivers from doing contract fares. Although meron pa rin talagang ibang mga pasaway. Pero since inimplement ito tumino na karamihan ng mga taxi drivers. 2 days sumakay ako ng taxi kasi unavailable yung ginagamit ko na sasakyan. Alam ko na minus 10 pesos yung total na babayaran ko. Kaso sinubukan ko yung 4 na drivers ng taxi na bigyan sila ng sobra then sabay baba sa taxi nila, sila pa ang tumawag sakin sir, sobra binigay nyo. If I remember it right, bluetaxi, holiday, aaliyah and yung isa d ko matandaan ang pangalan nung company.

8. ANTI-DRUNK DRIVING LAW - Pagnakadamage ka ng property, private or government property tapos malalaman ng police na lasing ka? Goodluck sa amount ng damages na babayaran mo. 25k-250k ang range ng fines plus ilang taon na pagkabilanggo at marerevoke ang license mo. I'm not sure about the exact punishments/fines but the thought is, WAG KA NANG UMINOM NG ALAK ATSAKA MAGMANEHO PAUWI. lol Magtaxi ka na lang or magjeep nakakatulong ka pa sa mga drivers!

9. STRICT IMPLEMENTATION OF 1/3 - 2/3 POLICY - Sino mahilig maglakad sa downtown area. Dahil sa dami ng nagtitinda sa sidewalk eh dun ka na lang dadaan sa kalsada mismo. Iwas disgrasya po tayo. Ang sidewalk ay para sa mga taong naglalakad at hindi po lang para sa mga nagbebenta.

10. DAVAO 911 - Nasubukan nyo ng tumawag sa 911 dahil sa emergency? I did, and a lot of times already. Meron pang isang beses noon meron akong nakitang nagsuntukan na grupo ng mga lasing, isang tawag lang ng 911, dumating agad yung mga mobile ng police at tinigil yung away. Vehicular accidents naman, ilang beses na ako tumawag kasi may naaksidente sa daan, sabi ng operator sir papunta na po yung mga medics namin and marami na pong tumawag kanina. Eh diba ang galing? Yung mga taga davao na mismo ang nagrereport agad agad sa mga authorities tuwing may aksidente, sunog, or krimen na nagaganap.

Eh sino bang Mayor ng potang inang lugar sa Pilipinas ang nakagawa ng ganito? Yung kayang disiplinahin ang mga may matitigas na ulo kagaya ko. Pasensya na po at medyo napamura ako. Gusto ko lang po kasing itatak sa kokote ng mga iba nating kapatid na Pilipino na napaka sensitibo at napakakitid ng utak, na hindi lahat ng taong NAGMUMURA ay potang inang walang kwenta.



IF YOU DON'T LIKE DUTERTE, DON'T VOTE FOR HIM. IT'S THAT SIMPLE
by Pamela Saavedra

Do I like Duterte's character? A big NO. Walang sinuman ang gusto ng nagmumura, babaero at pumapatay ng tao. Hindi iyan ang itinuro na magandang asal ng ating mga magulang at kahit ng simbahan. Hindi rin ito magandang ehemplo para sa kabataan. Kaya obligasyon ng mga magulang na bantayan ang mga bata na makarinig ng kanyang mga sinasabi.

Do I like Duterte as a leader? Absolutely YES! Duterte compensates his imperfections with real service to the people.

1. Babaero siya at alam niyang hindi niya yun mapipigilan pero siya ang kauna-unahang nagpasa ng Women Development Code (City Ordinance 5004) sa buong Pilipinas. Ang kulungan ng mga babae sa Davao ay hindi selda kundi makukulay na mga bahay.

2. Nagmumura siya pero kasama ng kanyang plataporma ay ibalik ang GMRC at Values Education sa curriculum ng mga eskwelahan.

3. Pumapatay siya ng kriminal pero siya rin ang nangunguna sa pagpaparehab ng mga kabataang lulong sa droga at binibigyan pa niya ito ng P2,000 monthly allowance.

4. Dating lasenggo at chain-smoker pero mahigpit na ipinagbabawal ang pininigarilyo sa siyudad at may liquor ban pa ng hanggang 1am lang.

5. Hindi maganda ang tabas ng dila pero nagpatupad ng Anti-Discrimination Ordinance. Bawal i-discriminate ang Muslim, Kristiyano, Lumad, bakla, lesbian, transsexual, may kapansanan, ordinaryong mamamayan at kahit sino man.

6. Barumbado, mahilig sa baril pero nagpatubad ng fire cracker ban tuwing Pasko at New Year. Davao lang ang zero casualty sa paputok kada taon.

7. Protektor daw ng NPA at MILF pero andaming mga sundalo at pulis ang kanyang na rescue sa mga rebeldeng grupo. Mas marami pa siyang nagawa kaysa sa administrasyon.

8. Diktador daw at masama ang ugali pero siya ang unang rumesponde sa Tacloban na sinalanta ng bagyong Yolanda.

9. Mayabang daw pero ni isa sa kanyang proyekto ay wala ang kanyang mukha at pangalan. Hindi nagnakaw sa kaban ng bayan. Nakatira lang sa ordinaryong bahay sa subdivision. Ni wala ngang battalion ng body guard na nakapalibot at nagmamaneho pa ng taxi para mag-ikot sa siyudad.

10. Asal kanto, ugaling kalye pero WORLD CLASS ang serbisyo. And take note, lahat ng tao nakikinabang sa kanyang serbisyo, hindi lang ang mayayaman.

- Davao Central 911 (The only 911 in Asia. Equipments are all US-made. All services are free.)
- California Traffic Light System (Most modern in the Philippines. Sensorized, centralized to Traffic Center and Central 911)
- High-tech CCTVs, again the most modern in the Philippines.
- Public Safety Command Center powered by IBM (US technology giant company) making Davao the only Smart City in the Philippines. The fastest that can respond to crime and disaster.
- Food stamps for the homeless. Maraming dayo sa Davao na walang matirhan at walang makain kaya binibigyan ng food stamps ng local government para man lang may pantawid gutom.
- State of the art facilities of a GOVERNMENT hospital. Yes, the most modern hospital equipments in Davao are not in private hospitals but in a government hospital - the Southern Philippines Medical Center (formerly Davao Medical Center). Sagot niya ang gastusin ng mga batang may cancer sa Davao at kahit hindi taga Davao.

Kaya para sa inyong hindi siya kilala at bulag sa katotohanan, let me say this. He is actually making a sacrifice to us. Let him be the sinner, let him do the dirty work. Because he said, he must do the things that he must do as ugly as it can be because nobody in the government will do it for the people. In the end, only God can judge him on the things that he's done.

Kaya kung gusto niyo ng Pangulo na isang magandang ROLE MODEL, iboto niyo si Mar Roxas. Prim and proper, busilak at mabulaklak magsalita, makamasa (sa pictorial), good boy image. Ganon lang naman ka simple yon. Wag niyong iboto si Duterte dahil masama siyang ehemplo.

Pero kung gusto niyo ng TUNAY NA PAGBABAGO, and someone who can really get things done, alam niyo na ang sagot.

"I don't care if I go to hell as long as the people I serve will live in paradise." - Rodrigo Duterte

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT