BREAKING

Thursday, December 11, 2014

All I Want for Christmas is the Freedom to Rant Without Fear


Wazzup Pilipinas!

Sometimes we just need to fight for what we believe is right no matter how insignificant or less important it is. We should be following a principle guided by moral values that we should strictly adhere to even if it means sacrificing our personal interests.

It is very rare in this world to see people concerned about the small and trivial things which could very well eventually lead to bigger problems if ignored or taken for granted.

Sa maliliit na mga bagay nagsisimula ang mga malalaking kalokohan kapag pinabayaan o ipinasa-Diyos na lamang. Tandaan, "Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa." Dapat rin po tayong kumilos because we owe it to ourselves, and to the other people who may have encountered the same situations, to seek the truth and demand for justice.

Huwag hintaying lumala ang mga bagay-bagay bago tutukan ng pansin. Nasa huli ang pagsisisi. Huwag nating hahayaang ipagpatuloy ang tila karumal-dumal na mga gawain ng mga nilalang na halang ang kaluluwa.

Dapat ba na kumanta na lang tayo ng "Let It Go" at hayaan na lang na humupa ang ating galit?

Pero teka, di ba dapat rin nating tandaan na ang lahat ng bagay ay nareresolba kapag may tunay na hangaring maisaayos ang nasirang pagsasama o mapagkasundo ang magkabilang panig na nagtutunggali?





Huwag po tayong maging dahilan ng mga matitinding pag-aaway o di pagkakaunawaan. Dapat po tayong laging magpakumbaba o mamagitan para sa lubos na kapayapaan.

Hay nako, tunay na nakakalito kung ano ang dapat nating ikilos at saan tayo dapat pumuwesto. Lubhang kumplikado ang ating kinalalagyan lalo na kung hindi lang ang personal na kalagayan ang pinahahalagahan.

Tama ba na mag-rant na lang tayo sa ating mga blog o social media para mailabas ang sama ng loob? Tama ba na ipagkalat natin sa buong mundo ang mga pinagdadaanan natin?

Naniniwala ako na malaki ang naitulong ng social media para mapag-kaisa ang sambayanan mula dito sa ating bansa hanggang sa iba pang lupaing banyaga.

Pero minsana talaga ay sadyang mapanira rin ang ganitong teknolohiya kapag ginamit sa tiwaling paraan.

Ano ba ang ating aasahan sa isang planetang puno ng mga nilalang na may mga unique at natatanging personalidad?

Siguro para makuntento tayo ay tandaan na lang natin na iba-iba ang mga pag-uugali, karanasan, kaalaman at pinagdadaanan natin. Kaya respeto na lang ang kailangan tungo sa tunay na satisfaction dahil sadyang lahat ng mga bagay ay dumaraan sa walang humpay na pagbabago. Lahat ay mananatiling apektado ng impluwensiya dulot ng patuloy na pakikipag-sapalaran natin sa mundo.

*All images of Elsa from Frozen movie are copyrights of Disney

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

1 comment:

  1. This post is really nice and effectable and have great pleasant for me,so thank you!

    Instagram For PC

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Top ib essay writing service by Writemyessay.today with 200 experts. 123Termpapers.com - term paper writing service every student can afford
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT